Panitikan

Sinasabing hindi maaaring makatapos ng sekondarya ang isang mag-aaral nang hindi nababasa ang apat na klasiko ng panitikang Pilipino: ang Ibong Adarna at Florante at Laura ni Francisco Baltazar; ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal. Maliban sa makabagong pagliliwat sa mga teksto, ang mga nasasabing akda ay nilangkapan rin ng mga karagdagang bahagi gaya ng "Pagpapalawak ng Talasalitaan," " Pag-unawa sa Binasa," "Pagsusuri" at marami pang iba upang lalong mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral. May mga ilustrasyon din sa bawat kabanata upang mas maging interesante sa mga estudyante and akda at mas maipakilala ang manunulat (Jose Rizal at Francisco Baltazar) at upang mas mailarawan ang konteksto ng nasabing likha (Ibong Adarna).

 

 
  Ibong Adarna Florante at Laura, Tula Florante at Laura, Nobela Noli Me Tangere Noli Me Tangere Binagong Edisyon El Filibusterismo  
 
Sulatin

Ang Yaman ng Panulat (para sa mga mag-aaral sa hayskul) ay sadyang nilikha upang maging gabay sa iba’t ibang uri ng pagsulat sa Filipino—pagsulat ng sariling talambuhay, anekdota at samu’t-saring uri ng liham. Nakasaad din dito ang mga eksaktong hakbang na dapat gawin ng mag-aaral sa loob ng isang tukoy na panahon (limang araw). Bago ang bawat gawaing pagsulat, makikita ang isang modelong teksto upang magsilbing gabay ng mga estudyante sa kanilang paggawa. Detalyado at mapanuri ang bawat aralin upang mahasa ang kakayahan ng mag-aaral sa pagsulat.

 

 

 

Yaman ng Panulat I, II, III, IV